09 November 2008

spon-tey-neus

Ahaay, lunes na naman.
Tumatakbo ang oras, umiikot ang mundo, ano naman ang nangyayare sa buhay ko?

Aba eto, sem-break pa din. Kung tutuusin, 2 bwan palang ako dito. 2 months and 2 weeks siguro. Pero parang 300 years na ang nakalipas. Dahil ba sa sobrang daming nangyare? O dahil mabagal lang talaga ang takbo ng oras ko sa araw araw? Sabi nila, capable daw ang utak naten na magproduce ng 70 thousand thoughts sa isang araw. Naisip ko, siguro, nama-maximize ko yun. kaya pala ang sakit sa ulo minsan. hanep.

Last week, may isa akong kaibigan na sinabi saken -- "joy, you don't look happy. ingatan mo ang sarili mo." Medyo parang nauntog ako ng konte. Ganun na katransparent? Well, hindi naman talaga ako magaling magtago ng nararamdaman dati pa. Pero this time, hindi ko lang akalain na mahahalata pa pala. Tska ang laki daw ng pinayat ko. Napapansin ko naman yun. Dati, pag ngumingiti ako, parang puputok ung pisngi ko. At nakakatuwa yung feeling ng ganun. Pero ngayon, hindi ko na nararamdaman ung mga pisngi ko na naiipit sa mga cheekbones. Sunday nya yun tinext. Kaya bago ako matulog, sinabi ko sa sarili ko -- simula bukas, pipilitin kong hindi na malungkot.

Siguro ganun nga talaga. Naalala ko tuloy ung blog ni heids. Sakto eh. Pursuit of happiness. When I was younger, I thought that happiness is just around the corner. But now, I have learned, through time and experience, that happiness is more than a choice--you have to pursue it. Mahirap--pero, tulad nga ng sabi ni ely buendia, no one ever said that there's an easy way.

So buong week, dahil pinagdesisyunan kong hindi ako malulungkot, eh para akong merong imaginary score board sa utak. Basta dapat very good ako at the end of the day para may star ako. Nagawa ko naman. At in fairness, fulfilling. Pero mahirap. May mga oras na matutulog na lang ako pag feeling ko eh babagsak ako sa exam for the day. Parang tanga lang. Pero ganun talaga. Nag-aaply pa din ang lagi kong sinsabi na --- at the end of the day, it will always be between you and yourself.

May isang araw lang last week na hindi ako very good. Siguro, half-star lang ang nakuha ko. Sorry, sumablay eh. Pwede naman siguro un?


Lunes na naman. At mas mahirap talaga ang weekday. Busy kase lahat ng kaibigan ko sa kani kanilang hanap-buhay, at syempre kelangan kong magbusy-busy-han din. Sana maging very good ulit ako this week. Para madaming madaming stars.
Buti nalang madami pang coloring books dito. :)

::re-posted. original posting on Nov 2,2008 9:16pm

No comments: